Mayor Isko Pinangunahan ang Oathtaking ng Dangwa Flower Market Association

Mayor Isko Pinangunahan ang Oathtaking ng Dangwa Flower Market Association Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, kasama si HAWKERS Director Raffy Alejandro, ang […]


Ibahagi Facebook X
Image

Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, kasama si HAWKERS Director Raffy Alejandro, ang oathtaking ng mga bagong opisyal ng Dangwa Flower Market Association bilang bahagi ng patuloy na suporta ng lungsod sa sektor ng mga vendor at maliliit na negosyo.

Ayon sa alkalde, sinusuportahan niya ang mga inisyatibang magpapakilala sa Dangwa bilang Flower Capital of the City of Manila.

Gayunman, pinaalalahanan ni Mayor Isko na ang paggamit ng bangketa para sa pagtitinda ay isang pribilehiyo na maaaring bawiin anumang oras. Kaya hinihikayat niya ang mga vendor na panatilihing malinis at maayos ang kanilang mga puwesto upang hindi makasagabal sa publiko. (BONG SON)

Ibahagi ang kuwentong ito Facebook X

Mula sa Edisyon Ngayon