NAKATAKDA nang ratipikahan ng Senado sa July 28, 2026 ang private education voucher bill na hango sa panukala ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at sa education voucher model ng Taguig City.
Layunin ng panukalang Basic Education Voucher Program Act na bigyan ng voucher ang mga kwalipikadong K to 12 learners para makapag-enroll at makapag-aral sa alinmang pribadong paaralang kinikilala ng Department of Education (DepEd).
Inaprubahan noong nakaraang linggo ng bicameral conference committee ang pinag-isang bersyon ng panukala, matapos pagtugmain ang Senate Bill No. 1981 at House Bill No. 4744.
Kapag niratipikahan na ng Senado at Kamara, ipapadala ang panukala sa Malacañang para sa pirma ng Pangulo.
Isinama sa bersyon ng Senado ang mahahalagang probisyon ng Senate Bill No. 422 ni Cayetano, o The Learner’s Choice Act of 2025, na hango naman sa Taguig Learner’s Certificate (TLC) Program ng Taguig City.
Sa ilalim ng panukalang batas, prayoridad ang mga mag-aaral mula sa mga siksikang public school, lalo na ang mga mula sa mahihirap na pamilya.
Sakop din nito ang disadvantaged learners, kabilang ang out-of-school youths, learners with disabilities, mga ulila, Indigenous Peoples, mga mag-aaral sa mga liblib na lugar, at mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Kasama rin sa panukala ang mga probisyong iminungkahi ni Cayetano laban sa ghost learners, pagkaantala, at iba pang uri ng pandaraya.
Nauna nang sinabi ni Cayetano, na dating co-chairperson ng Second Congressional Commission on Education o EDCOM 2, na makatutulong ang panukala upang maisulong ang karapatan ng bawat batang Pilipino sa abot-kaya at de-kalidad na edukasyon.
“The Constitution guarantees the right of every Filipino to accessible and quality education at all levels and mandates the State to take appropriate steps to make such education available to all,” aniya.
“I’d like to see the day na kapag pinanganak ka sa Pilipinas, regardless kung ano apelyido mo, kung mayaman ka o hindi, if you want to go to the best private school sa inyong province or city, you’ll have the opportunity to do that,” dagdag pa niya.
_*Taguig bilang modelo*_
Bago pa man umabot sa Kongreso ang panukalang national voucher program, matagal nang ipinatutupad ng Taguig City ang TLC Program, ang learner-centered voucher program ng lungsod na kinilala ng EDCOM 2 at itinuring ng DepEd bilang model program.
Sa ilalim ng TLC Program, sinusuportahan ng lokal na pamahalaan ang mga public elementary school graduates sa Taguig na nais ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa alinman sa 60 na private high school na katuwang ng lokal na pamahalaan.
Tumatanggap ang mga kwalipikadong mag-aaral ng P10,000 na educational allowance at tuition fee subsidy na hanggang P18,000.
Ang programa ay binuo sa pamumuno ni Taguig Mayor Lani Cayetano, asawa ni Senador Cayetano, na kilala sa pagpapatupad ng malawak na programang pang-edukasyon mula scholarships, early childhood care, nutrition support, school assistance, at public-private school partnerships.
Katuwang ng EDCOM 2 si Mayor Cayetano sa pag-iisip at pagbuo ng mga repormang pang-edukasyon sa bansa bilang miyembro ng Education, Legislation and Policy Advisory Council, na binubuo ng mga kinatawan mula sa local government, education institutions, private sector, at civil society. (Nino Aclan)
Private education voucher bill na hango sa panukala ni Cayetano at Taguig model nakatakda nang ratipikahan
NAKATAKDA nang ratipikahan ng Senado sa July 28, 2026 ang private education voucher bill na hango sa panukala ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano […]
DOLE, NILINAW ANG KOMPENSASYON SA MGA SAKIT DAHIL SA MATINDING INIT; PROTEKSIYON SA RIDERS, TINALAKAY
Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga patakaran sa kompensasyon para sa mga sakit na may kaugnayan sa matinding init sa trabaho…
See full articleGrupo ng mga hog raiser nag-rally sa DA vs imported na baboy
Nagsagawa ng kilos-protesta ang grupo ng hog raiser upang igiit ang agarang hakbang ng pamahalaan para protektahan ang lokal na industriya ng pagba-baboy…
See full articleAstrotel Launches Galaxy Loyalty Card, Expands Community Support Through Alagang Astrotel
In a digital age where convenience is currency, Astrotel is redefining hospitality loyalty with the Galaxy Loyalty Card, a fully digital membership experience…
See full articleMedia Wise up there Down Under
Another year, another two coveted awards for Media Wise Communications/ Muse Books! At the conclusion of the IABC Asia Pacific Fusion 2026 Conference…
See full articleMARCOS’ EXPANDED 4PH GAINS FURTHER MOMENTUM AT SUCCESSFUL 2ND NATIONAL HOUSING EXPO 2026
President Ferdinand R. Marcos Jr. witnessed the various affordable housing options showcased at the 2nd National Housing Expo 2026, where he personally…
See full article800 HOG RAISER, INAASAHANG SASALI SA RALLY; TATLONG ARAW NA “PIG HOLIDAY,” ISASAGAWA
TINATAYANG nasa 800 hog raiser mula sa iba't ibang panig ng bansa ang inaasahang lalahok sa kauna-unahang rally friday sa harap ng tanggapan ng Department…
See full article