NANAWAGAN si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Martes sa mga Pilipino na magkaisa laban sa korapsyon at sa tinawag niyang “selective justice” sa patuloy na isyu ng flood control corruption.
“Dumating na ang panahon na kailangan sabihin nating, ‘Tama na! Tama na!’” sabi ni Cayetano sa harap ng mahigit 12,000 tao sa isang lightning rally sa EDSA nitong June 30, 2026.
Aniya, umasa ang mga Pilipino na tututukan ng gobyerno ang pananagutan matapos ang 2025 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo kung saan isiniwalat ang mga umano’y ghost projects at irregularidad sa flood control programs ngunit aniya nawalan ito ng momentum dahil sa interes sa pulitika.
Binanggit niya ang mga imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na pinangunahan nina Senador Panfilo Lacson at Rodante Marcoleta, na aniya’y nakatulong sa paglalantad ng mga anomalya ngunit kalaunan ay nawala ang pokus sa paghahanap sa mga tunay na may pananagutan.
“Nagkaisa kami sa Minority noon… kung makakatulong sa bansa, kung mahahanap ang magnanakaw, kung ang kadiliman ay mabibigyan ng ilaw, OK na,” wika niya.
“Nagspeech po siya (Lacson), na-reveal ang ghost projects. Ang dami naexpose. And then pinalitan si Senator Marcoleta [bilang chairman ng Blue Ribbon]. Noong pinalitan si Sen. Marcoleta, ang mastermind ay senator na lang. Nawala na y’ung iba [na sangkot] sa departments, secretaries, congressman, at nawala na y’ung napakalaking tao na siya ang nagpagalaw ng lahat,” dagdag niya.
Binigyang diin niya ang pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may “mastermind” sa likod ng mga anomalya, at ikinumpara ito sa posisyon ni Lacson sa isyu.
“Sabi ni Ombudsman Remulla mismo na merong mastermind. Ano po ang sabi ni Sen. Lacson? Walang mastermind. Malinaw na malinaw po na ang unang nagbigay ng pag-asa sa atin na Pangulo ay hindi na po nahihiya. Sa totoo lang po, kawalang hiyaan na ang ginagawa,” wika niya.
Ayon kay Cayetano, hindi pa lubos na naimbestigahan ang korapsyon sa pondo para sa flood control at road maintenance funds noong 2023, kahti malaki ang inilaan sa budget.
“Noong 2023, halos isang trilyong piso ang budget ng DPWH. Ang flood control projects, mahigit P300B. Ang maintenance ng roads, unang beses naging one third [ang allocation] ng budget. Mahigit din na P300B,” wika niya.
“Usually 70% ng budget ay bagong kalye, tulay, at building. First time noong 2023 na [pinakamalaki ang] flood control at maintenance. Ang maintenance po, hindi pa iniimbestighan hanggang ngayon,” dagdag niya, at iginiit na ganito rin ang naging alokasyon noong 2024 sa kabila ng mga kulang na imbestigasyon.
Tiniyak ni Cayetano sa mga nagpoprotesta na kahit may pressure, patuloy ang mga nagsusulong ng kaso ng korapsyon sa kanilang trabaho.
Hinimok din niya ang Pilipino sa iba’t ibang panig ng pulitika, relihiyon, at rehiyon na magkaisa laban sa korapsyon.
“Huwag po ninyo kaming alalahanin… Desidido po kaming lumaban,” wika niya, sabay banggit kina Marcoleta at ibang kasamahan sa Minority tulad nina Senador Jinggoy Estrada, Ronald Dela Rosa, Loren Legarda, Imee Marcos, Pia Cayetano, at Robinhood Padilla.
“Tama na! … Sana bilang Pilipino, makasigaw tayo ng ‘We are one [against corruption]’” ani Cayetano, na paulit-ulit nananawagan para sa pagkakaisa at accountability. (Nino Aclan)
“Tama na!” Hirit ni Cayetano laban sa korapsyon, selective justice
NANAWAGAN si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Martes sa mga Pilipino na magkaisa laban sa korapsyon at sa tinawag niyang “selective justice” sa […]
800 HOG RAISER, INAASAHANG SASALI SA RALLY; TATLONG ARAW NA “PIG HOLIDAY,” ISASAGAWA
TINATAYANG nasa 800 hog raiser mula sa iba't ibang panig ng bansa ang inaasahang lalahok sa kauna-unahang rally friday sa harap ng tanggapan ng Department…
See full articleWork Stoppage sa mga Barko ng Atienza Inter Island Shipping Lines Inilabas na ng DOLE
PANSAMANTALANG ipinahinto ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang operasyon ng anim na barko ng Atienza Inter Island Shipping Lines na nakaangkla…
See full articleMga Kabataan Hinikayat na Pasukin ang Sports Upang Malinang ang Kanilang Talento
HINIKAYAT ni Labor Secretary Francis Tolentino ang mga kabataan na pasukin ang sports at malinang ang kanilang talento."We hope to inspire our youth to…
See full articleTop developers take center stage at biggest-ever National Housing Expo
(PRESIDENT MARCOS GRACES BIGGEST-EVER NATIONAL HOUSING EXPO IN FULL SUPPORT OF EXPANDED 4PH. President Ferdinand R. Marcos Jr. graced the opening of the…
See full articleDOLE, PESO PINALAKAS ANG UGNAYAN PARA SA MAS MARAMING OPORTUNIDAD SA TRABAHO
Pinalakas ng Department of Labor and Employment (DOLE) at mga Public Employment Service Office (PESO) ang kanilang pagtutulungan upang mapalawak ang mga…
See full articleBeyond Disaster Response: DOST Pushes Science-Based Resilience in the Visayas
PALO, Leyte — When a disaster strikes, the damage rarely ends when the floodwaters recede or the winds subside. Farms may lose their harvests, businesses…
See full article