Voting threshold para sa conviction ni VP Sara, ipaubaya sa SC – Ejercito, Tulfo


Ibahagi Facebook X

PABOR sina Senador JV Ejercito at Senador Raffy Tulfo na ipaubaya na lang sa Supreme Court (SC) ang pagdedesisyon sa voting threshold para sa conviction ni Vice President Sara Duterte. 

Sabi ni Senator JV Ejercito, mas mainam kung ang Korte Suprema na ang magdesisyon ukol sa voting threshold para hindi na mahirapan ang mga senator-judges. 

“Gusto ko sana sa Supreme Court na na para hindi na kami mahirapan din. Pero depende kung anong gusto ng Impeachment Court, ng judges. Depende sa mapag-uusapan on September 23 we may just have to make the decision kung saka-sakali,” pahayag ni Ejercito sa panayam ng mga reporter nitong Miyerkoles. 

Tiniyak naman ni Ejercito na pag-aaralan at titimbangin ng impeachment court kung ano ang makabubuti sa paglilitis. 

Sang-ayon din dito si Senador Raffy Tulfo. “Kung ako, opinion ko lang yan, kung ako SC mag-decide para wala nang away.” 

Sa paglilitis noong Martes, Setyembre 8, tinalakay ang posibilidad na baguhin ang voting threshold sa impeachment ni Duterte matapos itong kwestyunin ni Senator Erwin Tulfo dahil sa kasalukuyan apat na senador ang hindi makadalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. 

Labing-anim o 2/3 na boto ng mayorya ng 24 miyembro ng Senado ang kailangan para ma-convict ang Bise Presidente. 

Si Senador Ronald “Bato” dela Rosa ay nanatiling nagtatago at wanted sa International Criminal Court (ICC) dahil sa kanyang papel sa madugong drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, habang sina Senador Rodante Marcoleta at Senador Jinggoy Estrada ay nanatiling nakapit dahil sa kasong plunder. 

Samantala, si Senadora Loren Legarda ay naka-medical leave at hindi alam kung kelan babalik, sabi ni Tulfo. / (Nino Aclan)

Ibahagi ang kuwentong ito Facebook X

Mula sa Edisyon Ngayon