NLEX HANDANG MAKIPAGTULUNGAN SA PAMAHALAAN UKOL SA USAPIN NG BAHA


Ibahagi Facebook X

HANDANG makipagtulungan ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa pamahalaan sa anumang solusyong ilalapat sa problema ng pagbaha sa kalye sa panahon ng malalakas na pag-ulan. 

Ang paghahayag ng kahandaan ng NLEX ay matapos na ihayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez sa pagdinig ng Senate Committee on Finance ukol sa 2027 proposed budget ng ahensya. 

Sa naturang pagdinig sinabi ni Lopez na nakatakda silang magpulong ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon at mga konrtratista upang tugunan ang mga problemang mga nagaganap sa NLEX. 

Aminado si Lopez na sa kasagsagan ng mga programang lalo pang magpapaganda ng serbisyo sa NLEX ay naapektuhan din talagang mga lugar dahil sa may mga natatamaang mga hindi dapat na tamaan ang mga kontratista. 

Ngunit tiniyak naman ni Lopez na agad nilang tutugunan ang problem sa lalong madaling panahonupang masolusyunan ang problema ng pagbaha sa tuwing malakas ang pag-ulan. 

Tinukoy naman ni Senate President Sherwin Gatchalian na sa kanilang lugar sa Valenzuela na apektado din ng programa ay kayang-kaya naman nilang tugunan at bigyang solusyon subalit sa ibang lugar tulad ng Bulacan ay hindi na nila kakayanin pa sapagkat hindi na ito sakop ng kanilang lungsod. 

Tiniyak din ni Lopez na lahat ng programa, proyekto at improvement sa NLEX ay nakabatay at naayon sa nakatakdang plano o design. 

Siniguro din ng pamunuan ng NLEX na gagawin nilang lahat ng maaring solusyon upang tugunan ang problema ng pagbaha sa tuwing umuulan. 

Ipinunto din ng pamunuan ng NLEX na pangunahing layunin nila ay hindi lamang maging ligtas kundi mapabilis ang biyahe ng bawat motorista patungo at palabas ng Norte. (NINO ACLAN)

Ibahagi ang kuwentong ito Facebook X

Mula sa Edisyon Ngayon