Pag upload ng E-Warrant ng mga Korte lalo sa isang bayan sa Laguna, ipinanawagan ng VACC


Ibahagi Facebook X

NANAWAGAN ang Volunteers Againts Crime and Corruptiom (VACC) sa Korte Suprema sa mas maayos na pagpapatupad ng pag-upload ng e-warrant sa bawat korte sa bansa. 

Ang panawagan ng VACC ay kasabay ng pagsasampa ng reklamong perjury laban sa isang judge sa Municipal Trial Clerk of Court sa Sta. Rosa, Laguna kaninang umaga. 

Ayon sa complainant na si Ginang Monalie Dizon, anim na taon nang hindi ina-upload ni Judge Alvin Landicho ang nasabing e-warrant na inaantay na ng law enforcement agencies upang ipatupad ito. 

Kaugnay nito, sinamahan ni VACC Chairman Manny Obedoza si ginang Monalie Dizon upang personal na magsampa ng kasong perjury sa municipal Trial Court laban sa nasabing judge sa Sta. Rosa Laguna. 

Binigyang-linaw ni Ginang Dizon na hindi niya hangad humantong pa ang usapin sa nasyonal subalit hangad niya ay katotohanan at hustisya lamang. 

Sinubukan naman kunan ng pahayag ang kampo ni Judge Landicho ng puntahan ang tanggapan nito upang ipaalam kung maaaring makapanayam ng media, subalit wala ito sa kanyang tanggapan dahil sa ito daw ay naka-leave umano ayon Mario Catindid, Jr. ng City Cultural Affairs Office ng Santa Rosa Laguna. 

Umapela din si Ginang Monalie Dizon na gampanan ng maayos ng Judge ang kanyang tungkulin at wag baliktarin ang kwento upang mas mapabilis ang pag gawad at pag arresto sa mga may pagkakasala sa batas. 

Sinubukan din nating hingan ng pahayag si Sta. Rosa Acting Chief of Police Pol. Lt. Col. John Paolo Carrecedo ukol sa usapin ng e-warrant na siyang pinag-ugatan ng kaso, subalit tumanggi na siyang magbigay ng pahayag. 

Aniya ipauubaya na niya ang lahat ng usapin sa korte lalo na't naisampa na ito sa piskalya at kailangan muna niyang humingi ng clearance sa nakakataas kung kailangan niyang magbigay linaw sa usapin sa isang press conference.

Ibahagi ang kuwentong ito Facebook X

Mula sa Edisyon Ngayon